96% nakadalo sa unang araw ng 2020/2021 Bar exams

96% nakadalo sa unang araw ng 2020/2021 Bar exams

February 4, 2022 @ 6:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakadalo ang nasa 11,378 law graduate sa 2020/21 bar examination sa 31 testing sa 22 local government units sa buong bansa, ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ani Leonen, chairman ng 2020/21 Bar examination, mayroong 11,790 law graduate ang nakapagbayad ng application fee upang makakuha ng bar exam habang 11,405 lamang ang nakapag-download ng examination files.

Ang 11,378 turnout ngayon ay nasa 96.5 percent at sinabing ‘good enough number’ ngayong pandemya.

Maaalalang unang itinakda ang pagsusulit noong November 2021 ngunit nausod sa schedule na January 16, 23, 30 at  February 6.

Noong Enero, dahil sa pagtaas ng COVID ay napagdesisyunan na muli itong iusod at gawing dalawang araw na itinakda ng Pebrero 4 at 6.  RNT/FGDC