96% ng mga Pinoy takot tamaan ng COVID-19 – Pulse Asia

96% ng mga Pinoy takot tamaan ng COVID-19 – Pulse Asia

July 12, 2021 @ 3:02 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Karamihan sa mga Filipino ay nababahala na tamaan ng coronavirus disease (COVID-19), base sa survey ng Pulse Asia.

Sa June 2021 Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, napag-alamang 96 porsyento ng mga Filipino ang nababahalang mahawahan ng sakit mula sa 94 porsyento nitong Pebrero.

Natukoy din ang 69 porsyento na “very much worried” habang 27 porsyento ang “somewhat” worried.”

“Across geographic areas and socio-economic classes, concern about contracting COVID-19 is basically universal,” ayon sa Pulse Asia.

Sa geographic areas mayroong 96 hanggang 98 porsyento habang 96 hanggang 97 porsyento sa socio-economic classes.

“In particular, small to huge majorities in the different areas and classes are very much concerned about getting sick with COVID-19 (59 percent to 82 percent and 67 percent to 80 percent, respectively),” anila.

Iisang porsyento naman ang nagsabing hindi nababahala habang dalawang porsyento ang “undecided.”

Isinagawa ang survey sa 2,400 respondents nitong Hunyo 7 hanggang 16. RNT/ELM