96 Pinoy namamatay araw-araw sa cancer – expert

96 Pinoy namamatay araw-araw sa cancer – expert

September 14, 2022 @ 4:08 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 96 na Filipino ang namamatay araw-araw dahil sa cancer ayon sa isang eksperto.

Sinabi ni Dr. Arnold Uson ng Philippine Society of Medical Oncology (PSMO) sa forum sa Kapihan sa Manila Bay na tatlong pangunahing sakit na sanhi ng kamatayan ng mga Filipino ang canser kabilang ang breast, colorectal at lunch canser.

Ayon kay Dr. Uson, isa sa mga hamon at pasakit ang sobrang mahal ng pagpapagamot ng cancer kaya magkakaroon na ng access ang mga cancer patient para sa kanilang medikasyon o pagpapagamot partikular sa mga hindi pasok sa Philhealth sa pamamagitan ng Canser Assistance Fund o ang Cancer and Supportive-Palliative Medicines Access Program (CSPMAP).

“Out of this, we Filipino’s will be able to have more access to medications of cancer medication that are practically not within the framework of the Philhealth so that it decrease the chances of a pocket funding of a person,” sabi ni Uson.

Aniya, ang assistance fund ay manggaling sa General Appropriations Act program o GAA at mula sa international donations at iba pang programa o funding program mula naman sa NICA o National Intelligence Coordinating Agency.

“So there would be funding on these and this is to decrease out of pocket expenses of Filipinos in accessing treatment for cancer,” dagdag pa ni Dr. Uson.

Samantala, nanawagan naman si cancer survivor patient at PAGCOR Corporate Communications Vice President Ms. Carmita Valdez sa pamahalaan partikular sa mga mambabatas na bigyang prayoridad din ang mga cancer patient sa bansa hindi lamang ang COVID-19 lalo na ang mga wala talagang pangtustos sa kanilang cancer medication at nagbibigay parusa sa mga nagkakasakit.

Pinayuhan din nito ang iba pang cancer patient na huwag mahiyang lumapit sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga pulitiko na nagkakaloob ng tulong at higit sa lahat panalangin. Jocelyn Tabangcura-Domenden