96 SPD substation chiefs, deputies negats sa drug test

96 SPD substation chiefs, deputies negats sa drug test

January 20, 2023 @ 5:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos 96 substation commanders ng Southern Police District (SPD) hang negatibo iligal na droga sa surprise drug test, ayon kay SPD chief Brig. Gen. Kirby John Kraft nitong Biyernes.

Ipinag-utos ni Kraft ang surprise drug test  nitong Miyerkules sa Multi-purpose Hall ng SPD Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City alinsunod sa pinaigting na internal cleansing program ng PNP.

“All yielded negative results to the test for the presence of Methamphetamine (shabu) and THC metabolites (marijuana), both dangerous drugs,” mensahe ni Kraft.

Sinabi ng SPD na handa itong ipalabas ang official chemistry report ng 96 substation commanders.

Saklaw ng SPD ang mga lungsod ng Makati, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at munisipalidad ng Pateros.

Pinuri naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jonnel Estomo ang pagsisikap ni Kraft at ng SPD sa pagtupad sa kanilang bahagi na linisin ang ranggo.

“Ako ay natutuwa sa naging hakbang ng Southern Police District na isailalim ang kanilang Sub-Station Commanders at Deputies sa random drug test bilang tugon sa kampanya ng ating SILG (Interior Secretary Benjamin Abalos) na linisin ang ating hanay mula sa mga pulis na gumagamit at involved sa iligal na droga,” aniya sa hiwalay na pahayag.

Kasunod ito ng panawagan ni Abalos sa lahat ng koronel at heneral ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang courtesy resignations. RNT/SA