97-anyos na lola, binigyan ng bahay sa Abra

97-anyos na lola, binigyan ng bahay sa Abra

December 11, 2022 @ 3:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binigyan ng bahay bilang maagang Pamasko ang isang 97-anyos na lola mula sa mga miyembro ng Abra Police Provincial Office.

Ayon kay Col. Maly Cula, provincial director, ang lola na binigyan ng house unit ay si Rosela Pescador, residente ng Brgy. Honey sa Lagayan, Abra.

Sinabi ni Cula na si Lola Rosela ay naninirahan lamang sa kubo na gawa sa kawayan at maaaring gumuho anumang oras dahil sa mahina na ang pundisyon nito.

Wala nang kakayahan si Lola Rosela na magtrabaho dahil sa katandaan at inaalala rin ang PWD na apo nito.

Dahil dito ay napili ang lola bilang recipient ng naturang programa, sa tulong na rin ng mga opisyal ng barangay na nag-endorso dito.

Sa isang simpleng turn-over ceremony ay tuluyan nang ibinigay kay Lola Rosela at apo nito ang bahay, kasabay ng house blessing na dinaluhan nina Col. Cula, Lagayan Mayor Edmarc Crisologo at Rev. Fr. Manolito Baroña. RNT/JGC