97% COVID vaccination rate naitala ng BOC

97% COVID vaccination rate naitala ng BOC

January 10, 2022 @ 7:28 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Bureau of Customs (BOC) nitong Lunes na mahigit 4,000 empleyado nito ang fully vaccinated na laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Inilahad ng BOC na hanggang Disyembre 2021, halos 4,217 empleyado o 97 porsyento ng mga nito ang nabakunahan na laban sa virus habang 708 tauhan ang naturukan na ng booster shots.

Patuloy nito, bumili sila ng 5,400 kahon ng face masks, 1,000 galon ng f alcohol, 500 piraso ng disinfectant sprays, 10 kahon ng antigen test kits, 20 piraso ng alcohol dispensers, 20 piraso ng air purifiers, at 20 sets ng thermal scanners na may alcohol dispensers na ipinakalat sa BOC premises, na magagamit ng frontline employees.

Ipinatutupad din umano ang social distancing sa loob ng opisina na regular ding dini-disinfect.

Nakapagpalabas na rin ang BOC ng 16,102 shipments ng personal protective equipment (PPE) at iba pang medical supplies simula nang magkaroon ng panemya. RNT/SA