97 lugar sa NCR naka-granular lockdown

97 lugar sa NCR naka-granular lockdown

January 12, 2022 @ 1:24 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Naka-granular lockdown ang 97 lugar sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na paglobo ng COVID-19 infections, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na may kabuuang 102 pamilya o 463 indibidwal ang apektado rito.

Habang 107 lugar sa buong bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown kung saan 679 indibidwal ang apektado.

“Sanay na ang kapulisan sa pagbabantay sa granular lockdown.”

Sa ngayon, nakitaan ang Metro Manila ng “exponential” increase sa COVID-19 infections na naglagay sa National Capital Region, Rizal, Bulacan, Cavite sa ilalim ng Alert Level 3. RNT/FGDC