98 kukuha ng LET, nagpositibo sa COVID

98 kukuha ng LET, nagpositibo sa COVID

January 30, 2022 @ 2:58 PM 8 months ago


ISABELA-Umabot sa 98 na kukuha ng Licensure Examination for Teacher o LET  ang nagpositibo sa isinagawang antigen testing ng mga kawani ng DOH region 2.

Nagtungo sa Cauayan City National High School ang mga kukuha ng exam upang sumailalim sa Nasal Antigen Testing na bahagi ng panuntunan ng PRC, isang araw bago ang aktuwal na pagsusulit.

Sinabi ng sa isang kukuha ng LET  na kabilang sa mga nagpositibo sa Antigen Test, nanlumo siya sapagkat nasayang at napunta lamang sa wala ang ilang buwang paghahanda niya para sa pagsusulit.

Kiniwestiyon rin niya kung bakit kailangan pa ng antigen testing kung mayroon namang vaccination card o nakatanggap naman  ng bakuna gayundin na sumailalim sa labing apat na araw na quarantine bago ang pagsusulit.

Aniya ang tanging hiling lamang nila ay maisailalim sila sa RT-PCR test upang  matiyak na tama ang resulta ng pagsusuri.

Bagamat hindi na ito makakakuha ng pagsusulit ay wala umano magagawa  kundi sumunod sa pinaiiral na minimum health protocols.

Samantala, hindi naman maitago ni Sherry Ann Tangaro, isa sa higit isang libong examinee, ang labis na kaba habang naghihintay ang kaniyang Antigen Test Result.

Aniya na sayang ang oras, pagod at paghahanda matapos ang matagal na paghihintay kung magpopositibo lamang siya sa Antigen test.

Kabilang ang ilan retaker ay masasabi niyang nadoble ang paghihirap para makakuha ng pagsususlit dahil sa pandemiya, bilang Isang nanay at Isang manggagawa ay hindi din umano naging sapat ang kanyang panahon upang mag review dahil halos isang linggo lamang ang naigugol niyang panahon para mapaghandaan ang pagsususlit.

Samantala, umaasa ang ilan na maipapasa nito ang kanilang pagsusulit bukas at ganap na lisensyadong guro. Rey Velasco