98% ng fully vaxxed na Pinoy ‘di nagka-COVID – OCTA

98% ng fully vaxxed na Pinoy ‘di nagka-COVID – OCTA

January 27, 2022 @ 8:03 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Iniulat ng independent pandemic monitoring group na OCTA Research na aabot sa 98 porsyento ng fully vaccinated ng Pinoy ang hindi nagka-COVID-19.

Sa ikaapat na kwarter ng Tugon ng Masa survey ng OCTA, na isinagawa noong Disyembre 7-12, 2021, ito umano ang tugon ng 51 percent fully vaccinated na Pinoy na nakiisa sa sarbey

Habang ang dalawang porsyento sa kabilang banda ay nagpositibo pa rin sa COVID-19 kahit na kumpletong bakunado.

Sa mga nagpositibo sa COVID, 47 porsyento ang gumamit ng antigen at RT-PCR test habang ang 28 percent ay gumamit lang ng antigen habang apat na porsyento ang gumamit lang ng RT-PCR.

Habang 20 porsyento naman sa nagka-COVID pa rin ay hindi gumamit ng anomang diagnostic tests.

Sa kabilang banda, sinabi rin ng grupo na bumaba sa buong Pinas ang vaccine hesitancy matapos na limang porsyento na lang ng respondents ang nagsabing hindi sila magpapabakuna laban sa COVID-19.

Ito ay napakalaking pagbaba mula sa dating 22 percent vaccine hesitancy nang ikasa ang sarbey sa ikatlong kwarter ng 2022 o noong Setyembre 11-16.

Mayroong 1,200 kalahok, na pawang nasa hustong gulang, sa nasabing sarbey na isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview. RNT