99.27% bumoto pabor sa Maguindanao split

99.27% bumoto pabor sa Maguindanao split

September 18, 2022 @ 11:59 AM 2 weeks ago


MINDANAO – Halos lahat ng mga botante na nakibahagi sa plebisito sa Maguindanao ay bumoto ng “oo” sa paghahati ng lalawigan sa dalawa.

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo ng umaga ang resulta ng opisyal na plebisito sa municipal canvass ng mga boto, na ika-canvass ng provincial board of canvassers sa susunod na araw.

Sa 712,857 rehistradong botante sa Maguindanao na bumoto sa plebisito, 707,651 o 99.27% ​​ng mga kalahok ang bumoto pabor na hatiin ang lalawigan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur alinsunod sa Republic Act No. 1150.

Nasa 5,207 lamang % ang bumoto ng “hindi” pabor sa paghahati.

Ang voter turnout ay tumumbas sa 80.84%.

Ito na ang pangalawang pinakamataas na voter turnout para sa province-wide plebiscites, ani Comelec spokesperson John Rex Laudiangco. Nangunguna rito ang paglikha ng Compostela Valley mula Davao Del Norte noong 1998.

Nauna nang iniulat ng poll watchdog na National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na ang plebisito ay karaniwang “smooth, organized, at peaceful.” RNT