99.92% ‘di nakaranas ng side effect sa COVID-19 vaccination — DOH

99.92% ‘di nakaranas ng side effect sa COVID-19 vaccination — DOH

January 25, 2022 @ 7:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Halos 99,92% ang hindi nakaranas ng side effect sa itinurok na COVID vaccine, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa media briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tanging 0.08% lamang ang nakaranas ng mild side effects.

“99.92% ng mga nabakunahan ay walang naitalang reaction o hindi nagkaroon ng sintomas matapos maturukan, habang 0.08% lamang ang nagkaroon ng side effects. Ngunit mild lamang po ang naging epekto nito,” dagdag ni Vergeire.

Karamihan dito ay ang pananakit ng tinunduan, pagkahilo, sakit ng ulo, pananakit ng likod at kamay.

“Maari din biglang tumataas ang blood pressure matapos maturukan, pagpapawis, pagpapantal, at pamamaga ng balat,” lahad pa ni Vergeire.

 “Kapalit po ng kaunting side effects na ito ang pagkakaroon natin ng proteksyon laban sa pagkakaroon ng malalang sakit buhat sa COVID-19.”

“Kaya naman po ‘wag tayong matatakot magpabakuna at huwag po tayong manakot ng mga nais magpabakuna kung tayo ay may pagaalinlangan pa rin,” paalala nito. RNT/FGDC