99% ng LGUs, nagsumite na ng devolution plans

99% ng LGUs, nagsumite na ng devolution plans

May 21, 2022 @ 12:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 99% na ng mga local government units sa buong bansa ay nakapagsumite na ng kanilang plano para sa devolution ng mga pangunahing serbisyo at pasilidad kasunod ng nakatakdang pag-iral ng Mandanas Ruling ngayong taon.

Taong 2018 nang palawakin ng Korte Suprema, sa pamamagitan ng Mandanas Ruling, ang internal revenue allotment share ng LGUs sa lahat ng national taxes kabilang na ang nakokolekta ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III, nakatanggap na ngayong taon ang lahat ng LGU ng dagdag na 30% hanggang 35% sa national tax allotment.

Umaasa naman si Densing na makukumpleto sa taong 2025 ang paglilipat ng mga basic services at facilities mula sa national government patungo sa mga LGU. RNT/ JCM