99M indibidwal target na mabakunahan sa Hunyo  

99M indibidwal target na mabakunahan sa Hunyo  

December 10, 2021 @ 12:35 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Layunin ng Pilipinas na ma-fully vaccinate ang nasa 99 milyong indibidwal sa Hunyo 2022.

“The President’s marching order has been for us to inoculate no less than 90 percent of the Philippine population which is equivalent to about 99 million Filipinos before the end of [his] administration,” saad ni Health Secretary Francisco Duque III.

Kumpiyansa si Duque na mababakunahan ng gobyerno sa katapusan ng taon ang 54 milyong Pilipino sa katapusan ng taon.

“I’m confident that we will be able to achieve this at the rate we are going and we have proven in the first three days of massive vaccination rollout.”

“I hope this will pave the way for us to achieve the second milestone, which hopefully we will be able to accomplish in the early first quarter of next year and that is reaching 77 million Filipinos with completed jabs all over the country,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, nasa 39.7 milyong Pilipino na ang fully vaccinateds a COVID-19 habang 56.64 milyon na ang nakatanggap ng first dose. RNT/FGDC