9M pang Pinoy target bakunahan bago magtapos termino ni PRRD

9M pang Pinoy target bakunahan bago magtapos termino ni PRRD

May 11, 2022 @ 10:13 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Target pa rin ng pambansang pamahalaan na ganap na mabakunahan ang hindi bababa sa walo hanggang siyam na milyong Pilipino laban sa Covid-19 sa pagtatapos ng administrasyong Duterte sa Hunyo, sinabi ng Department of Health (DOH).

“If our target is 77 million hanggang sa dulo ng Hunyo (by the end of June), we’re looking at around eight to nine million still individuals to be vaccinated by the end of June this year,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online media forum

Ayon kay Vergeire, mahigit 68 milyon Pilipino ang ganap nang nabakunahan
laban sa coronavirus disease hanggang nitong May 9.

Samantala, hinimok ni Vergeire ang mga Pilipino na karapat-dapat na
tumanggap ng kanilang booster shots.

Sinabi ni Vergeire na 13.5 milyong nakatatanda ang nakatanggap na ng kanilang booster shots

Mahigit 38.7 milyon ay hindi pa nabigyan ng booster kaya naman hinihikayat ng DOH ang mga Pilipino na tanggapin ang nasabing bakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden