‘A-‘ rating, ibinigay ng Japan debt watcher sa Pinas

‘A-‘ rating, ibinigay ng Japan debt watcher sa Pinas

March 11, 2023 @ 10:50 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – PINAGTIBAY ng Japan Credit Rating Agency (JCR) ang low credit risk rating ng Pilipinas na may “stable outlook” sa kabila ng paninisi sa mataas na consumer prices at global uncertainties, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa isang kalatas, sinabi ng DOF na ang credit rating na A- na may stable outlook ay nagpapahiwatig ng mas mababang credit risk at “entails better access to the international bond market and favorable interest rates.”

Sinabi pa ng Japanese firm na ang local banking system ay nananatiling “healthy on stronger payment capacity and improving employment situation.”

Tinuran ng DOF na ang outstanding debt ng national government ay na-settle sa 60.9% ng gross domestic product (GDP) noong 2022, mas mababa kumpara sa 61.8% target.

Gayundin, ang pinakabagong cash operations mula sa Bureau of the Treasury ay nagpakita na ang budget deficit ng national gobyerno ay natapyasan ng 7.3% sa GDP mula 8.6% noong 2021.

“The affirmation pumps up investor confidence in the Philippines, ” ayon sa DOF sabay sabing makapagpapalakas ito sa target ng kasalukuyang administrasyon na makahikayat ng mas maraming foreign direct investments.

Sumasalamin din aniya ito sa malakas na macro economic fundamentals ng Pilipinas na nakikita sa economic performance nito noong 2022 na may 7.6% at nagi-improve na labor market nito.

“The Marcos administration is committed to maintaining sound macroeconomic fundamentals and achieving its fiscal targets by continuing the course of sound fiscal management. The country’s recent structural reforms will also enable the country to withstand the pandemic shocks and map a route to recovery,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Para pakalmahin ang inflation, sinabi ng DOF na ang whole-of-government approach ay kailangan.

Sinabi pa nito na ang central bank ay “stands ready to take all necessary policy actions to bring inflation to within the 2% to 4% government target over the medium term.” Kris Jose