MAHABANG TERMINO NG MGA BARANGAY CAPTAIN

SINASABING pinag-iisipan mismo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung pahahabain o hindi ang termino ng mga kapitan ng barangay.
Hindi naman malinaw kung maisasama rito ang termino ng mga kagawad, chairman ng Sangguniang Kabataan at mga kagawad dito.
Subalit, mainam kung maisama na rin sana ang mga ito bilang kasama ng mga kapitan, lalo na kung iisipin na kasama sila ng mga batayang organisasyong pampamahalaan na tuwirang nakaugnay sa malawak na pamayanan sa buong bansa.
15 TAONG TERMINO
Ayon kay PBBM, posible umanong gawing limang taon ang termino ng mga kapitan at maaari pang mahalal ang mga ito ng dalawang b
eses.
Nangangahulugan na posibleng maglingkod ang kapitan sa loob ng 15 taon at dahil na rin sa kagustuhan ng mga mamamayan sa kanyang barangay.
Para sa mga barangay na nakapagluluklok ng mga matatapat, masisipag, makabayan at hindi korap na kapitan, hulog ng langit ang huli sa kanila.
Makaaasa sila ng tuloy-tuloy at walang patid na serbisyo publiko na kailangan nila sa matagal na panahon.
Tiyak silang magkakaroon ng maaayos na programa o proyektong laban sa kagutuman at paghihirap, pang-edukasyon, pangkalusugan, panghanapbuhay, pangkaayusan at pangkapayapaan, panlipunan, pangkapaligiran at marami pang iba.
MALAKING KASANGGA NG PANGULO
Kung gagawin ngang limang taon ang termino ng mga kapitan, na maaaring gayundin sa mga kagawad, malaking tulong ito sa paggampan ng tungkulin mismo kahit ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa na may anim na taong termino, maliban lang sa huli na may karapatang magkaroon ng ikalawang termino.
Bukod sa mga lokal na pamahalaan mula munisipyo hanggang sa mga lalawigan at rehiyon, napakalaking pwersa ang 42,000 barangay, at posibleng mga kagawad na pitong beses ang dami, upang maging dagdag na katulong ng pamahalaan sa pagkilos nito para pagsilbihan ang sambayanan.
Ang mga kapitan ang tuwirang kaugnay ng Palasyo sa mga nagaganap sa mga komunidad, maging sa mga malalayong lugar sa mga kabayanan at kalunsuran na karaniwang hirap na abutin ng serbisyo publiko.
At dahil sa mahabang panahon ng termino, higit na magiging matapat, masipag at matatag ang mga kapitan sa paninilbihan sa bayan.
Mayroon namang mga naihahalo na hindi maganda ang panunungkulan ngunit may mga paraan namang ligal na sibakin ang mga ito sa pwesto ngunit nababatay pa rin sa kagustuhan ng mga nasasakupan nila.
AKSYON NG KONGRESO
Hanggang sa tinitipa ito, mga Bro, wala pa tayong naririnig na mambabatas sa Kamara o sa Senado na maaaring maghain ng panukala para sa mahabang termino ng mga kapitan.
Ngunit hindi nangangahulugang sagabal ito sa Palasyo na may karapatan ding magsulong ng panukalang batas para rito.
Isang malaking hamon sa mga mambabatas ang paglabas ng kaukulang batas ukol sa pagpapahaba ng panunungkulan nina kabesa de barangay at sana, masakop na rin maging ang mga kagawad.
Maaari ring kumilos ang mga mismong opisyal ng barangay at itulak ang mga nasa itaas na baguhin na ang batas sa panunungkulan.
PAALAM, PRRD

DALAWANG araw na lang at magwawakas na ang administrasyong Duterte. Sa kabila ng paulit-ulit na pagpuna ng Firing Line sa ilan sa kanyang mga naging polisiya at desisyon, na sa nakalipas na anim na taon ay karaniwang inilalahad ng Presidente sa salitang kalye, ipinagpapasalamat natin ang payapang pagtatapos ng kanyang termino, alinsunod sa Konstitusyon.
Bagamat nag-uumigting sa kaloob-looban ko na sabihin sa kanya ang “good riddance,” ang isiping si Bongbong Marcos ang papalit sa kanya ay naglimita sa aking mensahe sa simpleng “paalam.” Ipinagdadasal kong mali ako, pero hindi ko maialis ang pakiramdam na para bang muli na naman tayong ipapain sa sarili nating kapahamakan.
Sa kabila nito, may ilang isyu na natutuwa akong natuldukan, nalinawan, at ang iba ay naresolba pa sa mga huling araw ng pamumuno ni Duterte.
Una, sa larangan ng pagtugon sa pandemya, nilinaw ng Department of Health – sa kabila ng pamumuno rito ng isang kalihim na sangkot sa sari-saring usapin – na siyensiya at ebidensya ang naging gabay nito sa pagbubuo ng mga pampublikong polisiya at solusyon kontra COVID-19. Hindi rin maitatangging sapat ang bakuna para sa mga Pilipino.
Sa ugnayan ng Pilipinas sa China, mabuti ang ginawa ni Duterte nang “tuluyan na nitong tinapos” ang mga negosasyon para sa joint oil at gas exploration sa West Philippine Sea.
Base sa tala, iprinotesta ng Department of Foreign Affairs ang bawat insidente ng panggigipit ng Beijing laban sa Pilipinas sa teritoryong kapwa inaangkin ng mga ito. Sumusumpa si outgoing DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na si Mr. Duterte – na ilang beses na pinuri si Xi Jinping bilang “malapit na kaibigan” – ay hindi kailanman isinuko sa China ang soberanya ng bansa. Sinabi ni Locsin: “Hindi natin isinuko ang kahit isang pulgada ng ating teritoryo o isang patak ng ating karagatan. Hindi sa salita o sa gawa natin palalamyain ang ating paninindigan at karapatan sa ipinaglalaban natin sa West Philippine Sea.”
Sa kaunlarang pang-imprastruktura, hindi maitatangging ito na ang pinakamalaking paggastos sa imprastruktura sa ating kasaysayan. Asam lang natin na ang mga pamumuhunang ito para sa mga Pilipino ay maging matagumpay at kapaki-pakinabang gaya ng mga naunang nakumpleto na. Pinapalakpakan ko rin ang muling pagbubukas ni Duterte sa Philippine National Railways Lucena-San Pablo Commuter Line sa San Pablo City, Laguna, kamakailan.
Malaki rin ang utang na loob at pasasalamat ng mga kaibigan ng Firing Line sa sandatahan sa papatapos na administrasyon, na nagdagdag sa kanilang suweldo at retirement benefits at pagsusulong ng modernisasyon.
FAMILY OF SOLONS TAKE OATH

MALABON Rep. Jaye Lacson-Noel and husband, An-Waray Party-list Rep. Bem Noel, had taken their oaths along with son, Councilor Nino Lacson-Noel, a first-timer who topped the race for council seats in the city’s First District in May 9 polls.
The mother and son took their oath before outgoing Mayor Lenlen Oreta before serving as witnesses along with other family members when Rep. Noel took his before Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez.
She’s vowed to work closely with Mayor-elect Jeannie Sandoval ‘in the interest of the residents and the city as a whole,’ as she reiterated her gratitude to the local electorate during the last elections. “I pledge to continue with my tested and honest public service to the Malabon people and our beloved city.”
She’s been credited by most residents for various infrastructure projects she had implemented including the 8.6kilometer megadike, which made perennial flooding especially in Brgy. Dampalit ‘a thing of the past’ and also frequented by promenades, as joggers and bikers.
Rep. Noel has also promised to continue providing assistance and support to the city aside from its programs designed to benefit most people nationwide. “Congratulations, Dad! I know that you’ll continue to serve our country with your big heart. Please know that I’m always here to support you no matter what,” she said to her husband.
She’s extra-happy that she’ll have her own son as partner in serving the city folk. “It’s really a good thing and I know that he’ll continue to be a great, honest, and driven leader that will give his utmost service to the Malabon people.”
SJDM in good hands with Robeses
Lucky are the people of San Jose del Monte, Bulacan including my family and relatives in Palmera Homes and in Barangay Muzon because they have the husband-and-wife tandem – Mayor Art Robes and Rep. Rida Robes – who’ve been the blessings for them as they’re the exemplary of genuine public service and love for their city folks.
There’s no stopping for SJDM on its way to continued progress and development owing to the number of infrastructure and pro-people, pro-poor programs they’re implementing.
They also make sure that their constituents are not left behind as more livelihood projects are being carried out to help uplift their quality of living. May your tribe Mayor Art and Cong Rida multiply!
HIRIT NG MGA KATUTUBONG MAGSASAKA KAY BBM

NANAWAGAN ang mga katutubong magsasaka at mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Pinugay Baras, Rizal kay incoming President Ferdinand Marcos Jr. na tulungan sila laban sa paggigipit ng isang pamilyang pumupusturang tagapangalaga ng kalikasan gamit ang kwestyunableng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng isang pumanaw nang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.
Anila, nasa labas ng Marikina Watershed ang ancestral domain batay na rin sa Presidential Decree 324 na inilabas ng namapayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr.Pero ang Masungi GeoReserve Foundation, deadma lang sa umiiral na batas (Ganon?).
Ang totoo, hindi kailanman pwedeng mangibabaw ang isang MOA kumpara sa batas.
Wala rin naman masama kung totoong pagmamahal sa inang kalikasan ang isinusulong ng Masungi Georeserve. Ang siste kasi, hindi naman talaga kasi ‘yun ang kanilang motibo. Bakit kamo?
Kung pagbabatayan ang prominenteng pamilya sa likod ng Masungi Georeserve, makikita n’yo ang totoo. Sino ba naman ang maniniwalang mahal ng pamilyang kontratista ang kalikasan kung sila mismo ang nagdevelop ng 105-ektaryang tapunan ng basura sa hangganan ng Antipolo City at San Mateo sa lalawigan ng Rizal, mahigit sa dalawang dekada na ang nakakaraan?
Sa totoo lang ang pakay ng pamilya sa likod ng Masungi Georeserve isang 2,700-ektaryang hasyendang kanilang planong idevelop bilang isang pasyalan para lang sa mga mayayaman.
Ang masaklap, sukdulang sagasaan ang mga pamilyang mahigit tatlong dekada nang nananahan sa naturang kabundukan. Gamit ang kanilang private army, binakuran ang paligid ng pamayanan kaya naman ang resulta – ang mga mismong tagaroon, walang mauwian.
Ang mga magsasaka, pinagbawalang anihin ang kanilang mga pananim. Ang mga alagang hayop sa loob ng binakurang kabundukan, pinulutan na lang ng mga armadong tauhan ng Masungi Georeserve Foundation.
Maging ang kanilang banal na pook kung saan sila nagdarasal, off-limits sa kanila.
Higit pa sa pagtataboy ang dinaranas na takot ng mga residente, magsasaka at mga katutubong makailang ulit nang pinaulanan ng bala ng armadong grupo.
Kung ako lang ang masusunod, dapat nang ibasura ang MOA na pinirmahan ni dating DENR Secretary Gina Lopez.
Bakit kamo, ito ang puno’t dulo ng gulo sa mapayapang pamumuhay ng mga katutubo.
BAWAL NA ABORSYON AT BABAE MAHALIN

KATAKOT-TAKOT na away ang nagaganap sa Amerika kaugnay ng bagong desisyon ng United States Supreme Court na wakasan na ang kalayaan ng mga kababaihan na magpalaglag ng kanilang sanggol sa sinapupunan.
Inilabas ang desisyon kamakailan na nagpapawalang-saysay sa naunang USSC decision sa kasong Roe vs Wade noong 1973 na nagbigay-kalayaan sa pagpapalaglag dahil protektado umano ng Konstitusyon ng Amerika.
Isa sa mga umaaway ngayon sa Hukuman si President Joseph Biden mismo na nagsabing inalisan ang mga kababaihan sa kanyang bansa ng napakahalagang karapatan.
Binubuo ang kalayaang lubos na pagpapalaglag sa ipinagbubuntis sa unang tatlong buwan at pagsusuri muna bago abortion sa sanggol na 4-6 buwan ngunit bawal na ito sa ika-7-9 na buwan.
ABORTION CLINICS NAGSARA KAAGAD
Mabilis na umaksyon ang mga may klinika sa abortion dahil na rin sa patakarang likha ng trigger law o instant ban kung tawagin.
Matapos na lumabas ang balita ukol sa bagong desisyon sa mga pahayagang online, nagsara rin agad ang maraming abortion clinic, lumayas ang mga doktor, nars naiwang nakanganga ang mga nakapilang magpalaglag at mga escort o recruiter nila.
Ang iba na bukas, hinarang at pinasara ng mga demonstrador na kontra-aborsyon.
Maraming estado ang sumunod agad sa trigger law subalit may mga hindi umaksyon kaagad at magpapalipas pa ng mga araw o panahon bago nila pairalin ang desisyon o kaya’y idaraan umano sa halalan ang desisyon.
Ang mga estadong hindi agad nagpatupad ng desisyon ay nagsabing huwag daw naman sanang harangin ng iba ang pupunta sa kanila para magpalaglag.
LUMILIPAD SA MERIKA PARA MAGPALAGLAG
Bigla nating naalaala ang ilang Pinoy na pumupunta sa Amerika para magpalaglag.
Ayaw nilang malaman ng publiko na nabuntis sila.
Kung bakit, sila lang ang nakaaalam.
Subalit may galing sa mga sikat na larangan gaya sa pag-aartista at ayaw nilang masira ang kanilang mga pangalan.
Meron ding mga politiko na gumagawa nito para hindi rin masira ang kanilang mga reputasyon, lalo na kung alanganin ang relasyon ng mga ito na makaaapekto sa panunungkulan nila sa gobyerno.
PAANO SA PINAS?
Ang pagkakaalam ng ating Uzi, may mga nakahain na batas sa Kongreso para maging ligal ang aborsyon sa Pinas at kakambal ito ng panukalang batas na maging ligal din ang same-sex marriage o lalaki sa lalaki o babae sa babae na kasalan.
Pero kinokontra lagi ang mga ito ng maraming simbahan, pangunahin ang Simbahang Katolika.
Dahil naman sa desisyon ng mga Kano, maaaring mahirapan na makalusot din sa Pinas ang anomang panukalang para sa aborsyon.
Ang mabuti pa, dapat mag-ingat na lang ang mga ayaw magbuntis.
At ang mga kalalakihan, huwag naman sanang gumawa nang gumawa ng isang bagay na ikasasama ng mga kababaihan kaugnay ng pagbubuntis.
Mahalin nila ang kababaihan at hindi buntisin lang tapos itulak na magpalaglag.
o0o
Anomang reklamo o puna, iparating lang sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.