Abalos nagbabala sa mga opisyal vs iligal na droga

Abalos nagbabala sa mga opisyal vs iligal na droga

August 22, 2022 @ 3:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagbabala si Interior Secretary Benhur Abalos na patuloy ang paglilinis ng ahensya sa mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasasangkot sa iligal na droga at iba pang hindi kanais-nais na gawain.

Ayon kay Abalos, bukod sa paglilinis sa mga personnel na BJMP kailangan itong isagawa upang maipatupad at malinis ang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa  mga kulungan mula sa iligal na droga, pagpasok na electronic communication gaya ng cellphone, baril, patalim at iba pang kontrabando sa loob ng ating mga piitan.

Inihayag ito ng DILG chief sa 31st anniversary ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan si Abalos ang pangunahing pangdangal sa naturang selebrasyon.

Sinabi pa ni Abalos na patuloy rin ang isinasagawang programa ng BJMP para mapigilan at masawata ang pagpasok ng COVID-19 sa mga piitan at ang rehabilitasyon sa mga PDL.

“Patuloy ang paglilinis sa mga personnel ng BJMP na nasasangkot sa illegal na droga at iba pang hindi kanais nais na gawain” ani pa ni Abalos.

Sinabi pa ng DILG chief na upang maisagawa ang rehabilitasyon ng mga PDL kinakailangan mapaunlad ang congestion n gating mga jail at kulungan .

“Ginagawa ng Marcos Administration at DILG ang lahat para mapaunlad ang kalagayan ng mga PDL (inmate) sa buong bansa at sa sandaling makalabas na ito ay handa na itong tanggapin ng ating lipunan,” sabi ni Abalos.

Iniulit pa ni Abalos na nais niyang bigyan ng pansin ang problema ng iligal na droga sa  mga piitan dahil ang  mga PDL (inmate) ay nakakagamit pa ng droga kahit nakakulong na.

“I’m warning all officer for this important (ang problema ng illegal na droga sa ating mga piitan)” dagdag pa ni Abalos.

Iminungkahi rin ni Abalos ang pagsasagawa ng drug test sa mga PDL sa buong bansa upang matukoy kung gumagamit ng iligal na droga ang isang inmate. Santi Celario

Tinitingnan nina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr. at BJMP Chief Jail Dir. Allan Iral ang iba’t ibang sining na likha ng mga PDL sa isang exhibit sa pagdiriwang ng ika-31 founding anniversary ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa San Mateo, Rizal, Agosto 22, 2022. (Mga larawan kuha ni Danny Querubin)