Abalos nagpositibo na naman sa COVID

Abalos nagpositibo na naman sa COVID

October 10, 2022 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo na naman sa COVID-19 si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos.

Ito ang kinumpirma niya nitong Lunes, Oktubre 10 at sinabing siya ay kasalukuyan sumasailalim sa quarantine at hindi muna makadadalo sa mga pagpupulong ngayong araw.

Ikalawang beses na ito ni Abalos na magpositibo sa COVID-19 na matatandaan unang tinamaan noong Hulyo 2020 nang siya ay alkalde pa ng Mandaluyong City.

Ipinag-utos na niya sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng contact tracing para sa mga posibleng close contact niya.

Matatandaan kahapon ay bumisita pa ito kay dating Senador Leila de Lima makaraan mabiktima ng isang hostage-taking incident sa PNP Custodial Center sa Quezon City. RNT/JGC