Abalos: PBBM wala pang tinatalagang PNP Chief

Abalos: PBBM wala pang tinatalagang PNP Chief

July 11, 2022 @ 8:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Wala pang napipiling unang hepe ng Philippine National Police sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang nilinaw ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos nitong Linggo kasabay ng pagtanggi sa mga ulat na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang deputy chief for administration, ay pinangalanang susunod na PNP chief.

“This is not true and the matter is being discussed,” ani Abalos sa PNA.

Kung susundin ang rule of succession, ang isa pang contender bukod kay Sermonia, na siyang No. 2 in command ng PNP, ay si Lt. Gen. Vicente Danao Jr., deputy chief for operations.

Si Danao ang naging officer-in-charge ng 225,000-strong police force mula noong nagretiro si Gen. Dionardo Carlos noong Mayo 6.

Si Sermonia, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1989, ay nakatakdang bumaba sa puwesto sa Enero 2024 dahil sa mandatory retirement age na 56 habang si Danao, ng Class of 1991, ay may isang taon pa sa serbisyo bago siya magretiro sa Agosto 2023. RNT