Abalos sa barangay elections: Anunsyo ni PBBM, hintayin

Abalos sa barangay elections: Anunsyo ni PBBM, hintayin

July 4, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG)  na nagbigay na sila ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung itutuloy o ipagpapaliban ang barangay elections.

Pinayuhan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang publiko na hintayin ang anunsyo ni Pangulong Marcos sa usaping ito.

“Kung tatanungin mo ako about barangay election, if it is going to be postponed or not, we’ve already made some recommendations here to the President. Antayin na lang natin na i-announce ito ng Pangulo,” ayon kay Abalos.

Matatandaang, makailang ulit na ipinagpaliban ang barangay and Sangguniang Kabataan polls . Sa katuanyan ang nakatakda sanang October 2016 barangay and Sangguniang Kabataan polls ay ipinagpaliban noong October 2017.

Mula noon , muli itong ipinagpaliban noong May 2018. Itinakda naman ito noong May 2022 at muli ay noong December 2022.

Samantala, nito lamang Hunyo 25, sinabi ni Executive Secretary Victor Rodriguez na pinag-aaralan nilang mabuti ang “plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet.”

Sinabi ni Rodriguez na tinitingnan ni Pangulong Marcos ang posibilidad na magpasa ng batas na magbibigay ng five-year term of officesa mga barangay officials. Kris Jose