Abalos sa mga punong-barangay: Barangay Assembly Days samantalahin para magbakuna vs COVID

Abalos sa mga punong-barangay: Barangay Assembly Days samantalahin para magbakuna vs COVID

October 13, 2022 @ 2:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr.  ang 42,046 Punong Barangay (PB) sa buong bansa na magpatupad ng pamamaraan na makapaghihikayat sa kanilang constituents na maging  fully-vaccinated at tumanggap ng booster shots laban sa COVID-19.

Available kasi ani Abalos  ang  COVID-19 vaccines at booster shots sa isasagawang  Barangay Assembly Days para sa  2022 second semester na itinakda sa kahit na anumang  weekends ngayong Oktubre.

“We call on the punong barangays (PBs) and other officials to fulfill their mandate and conduct Barangay Assembly Days. I hope the barangays use this opportunity to talk to their constituents and encourage them to be vaccinated and boosted against Covid-19,” wika ni Abalos.

“Use this as an avenue to inform your constituents of the undertakings and accomplishments of your barangays and discuss issues and concerns and plans for the future,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ng Kalihim na dapat  lamang na samantalahin ng mga PBs  ang  Barangay Assembly para talakayin ang ‘advantages’ o kalamangan na makapagbakuna laban sa covid 19 at makakuha ng booster shot at imbitahan ang kanilang mga constituents  na makiisa sa vaccination campaigns ng gobyerno gaya ng  ‘PinasLakas.’

Binigyan-diin din ni Abalos na kailangan na maipabatid ng  PBs  sa publiko na ang  Covid-19 booster shots  ay  “accessible” sa kanilang “workplace, transportation terminals and drugstores.”

Pinaalalahanan naman ni Abalos ang mga PBs na magdaos ng  Barangay Assembly Days dahil may mandato ang mga ito sa ilalim ng batas na tiyakin  na magsagawa nito sabay sabing puwede itong gawin  ng face-to-face, online, o blended modes.

Nakasaad sa Local Government Code and Proclamation No. 599, series of 2018 na ang “barangays are required to conduct barangay assembly for each semester of the year on any of the Saturdays or Sundays of March and October to hear and discuss the semestral report of the Sangguniang Barangay concerning its activities, finances and issues.”

Para sa second semester of 2022, ang  tema ng Barangay Assembly Day ay “Barangayanihan: Barangay at Mamamayan Sama-sama sa Pagtaguyod ng Bayanihan Tungo sa Mas Ligtas at Maunlad na Pamayanan,” na alinsunod sa panawagan na pagkakaisa  sa community-building ni Pangulong Ferdinand  Marcos, Jr.

Sa ipinalabas na DILG Memorandum Circular (MC) 2022-131, ipinag-utos ni Abalos  sa mga  barangay na mag-provide ng kinakailangang written notice at magpalakalat ng communication materials gaya ng posters o banners upang tumaas ang kamalayan at hinikayat ang mga residente na magpartisipa sa Barangay Assembly Day.

“This assembly is for our people to know the state of the community so it is important to engage your constituents and encourage them to vent out their concerns and problems in order for us in the government to be able to address it,” pahayag ni Abalos.

Sinabi pa ng Kalihim na “the barangay captains, Sangguniang Barangay members, barangay tanods and other barangay officials shall ensure that the set measures along with Executive Order No. 03, which allows the voluntary wearing of face masks in open spaces and non-crowded outdoor areas with good ventilation, are observed.”

“Para sa ating mga senior citizens, immunocompromised individuals at mga hindi pa fully vaccinated, we highly urge you to continue wearing your face masks and observe physical distancing at all times to ensure the safety of all participants of the activity,” ang wika pa ng Kalihim.

Sa kabilang dako, kailangan aniya na magsuot ng  face masks ang mga attendees sa indoor private o public establishments at sa indoor settings kung saan ang physical distancing ay posibleng hindi masusunod.

Tinuran pa ni Abalos  na ang mga barangay captains o iyong  highest ranking Sangguniang Barangay member o itinalagang barangay official ay dapat na mag-deliver ng State of Barangay Address (SOBA)  kabilang na ang  accomplishments at financial report para sa 1st semester ng 2022, updates sa  2022 Programs, Projects and Activities (PPAs), newly-enacted barangay ordinances at  resolutions,  ongoing projects a naglalayong  pigilan at kontrolin ang COVID-19 at ang kalagayan ng pagbabakuna.

Sa pagdaraos ng  assembly, kailangan na pag-usapan sa barangay  ang Executive Order No. 03; Sangguniang Kabataan financial and physical accomplishment report para sa  1st semester of 2022; status ng Barangay Financial Documents, BDRRMC-related accomplishments; anti-illegal drug initiatives, BADAC accomplishments; women, children, GAD o VAW-related accomplishments; at  status ng pagsunod sa  National Tree Planting Activity.

Samantala, binalaan naman nito ang mga  barangay na mabibigong sumunod sa direktiba na magdaos ng  assembly na maparurusahan alinsunod sa Seksyon 61 ng  Local Government Code of 1991.

“Barangay officials who fail to conduct a Barangay Assembly Day may face corresponding administrative complaints, which can be filed by any resident of the barangay, concerned citizen, governmental or non-governmental entity before the Sangguniang Panlungsod or Sangguniang Bayan concerned,” ang pahayag ni  Abalos. Kris Jose