Abalos: Ugat ng problema sa iligal na droga, bubunutin!

Abalos: Ugat ng problema sa iligal na droga, bubunutin!

March 14, 2023 @ 8:48 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Ito na ang tamang oras at panahon para bunutin ang ugat ng problema sa iligal na droga.

Sa naging talumpati ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Buhay Ingatan, Droga Ayawan (Bida) “Bayanihan ng Mamamayan” fun run na idinaos sa Sta. Rosa, Laguna, araw ng Linggo, Marso 12 ay sinabi nito na lilinisin niya nang husto ang nasabing problema ng lipunan.

“I tell you this: Lilinisin natin nang husto ito. Ang importante dito, while law enforcement authorities are doing their thing, para itong puno.. huli ka ng huli, pero baka may tumubong bagong sanga. Ang importante, habang tinatanggal natin ang sanga ng puno, inuugat natin ito. This is what the  Bida program is all about,” ayon sa Kalihim.

Sinabi pa ni Abalos na ang fun run ay bahagi ng “grassroots approach” ng gobyerno na manawagan sa mga mamamayan  na maging aktibong katuwang ng anti-drug campaign.

Binigyang-diin ng Kalihim na dapat lamang na tulungan ng publiko ang pamahalaan lalo pa’t ang illegal drug problem ng bansa ay labis nang nakaaapekto sa sektor ng lipunan lalo na sa mga kabataan.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Abalos na ang kampanya ay lalong pinag-apoy ng kamakailan lamang na pag-aresto sa ilang opisyal ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na diumano’y sangkot sa illegal drug operation.

Samantala, ang Bida program ay inilunsad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , alinsunod sa pangako ng pamahalaan na i-recalibrate ang giyera laban sa droga sa halip na ituon ang pansin sa “demand reduction at drug user rehabilitation.” Kris Jose