Abandonadong bag, nagdulot ng takot sa Maynila

Abandonadong bag, nagdulot ng takot sa Maynila

December 5, 2022 @ 6:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagdulot ng takot at pangamba sa publiko at mga empleyado ang naiwang bag na hinihinalang bomba sa tabi ng isang bangko sa Binondo, Maynila Lunes ng hapon, Disyembre 5.

Ayon sa Manila Police District (MPD) iniwan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nag-iwan ng kulay grey na backpack at isang brown envelop sa tabi ng ATM machine sa isang sangay ng PNB na matatagpuan sa San Fernando St., Kanto ng Elcano St , Binondo, Manila.

Nakilala lamang ang lalaking suspek na nakasuot ng puting t-shirt, tube mask, itim na sumbrero at maong pants.

Nadiskubre ang pasado alas-2 ng hapon na agad namang nirespondehan ng Explosive Ordnance ng MPD ang naturang gamit upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Bandang alas-4:09 nang ideklarang ligtas ang lugar at negatibo sa anumang pampasabog ang laman ng bag.

Iniimbestiagahan ngayon ng pulisya kung sinadyang iwan ng lalaki ang bag para manakot dahil dagsa na ang mga tao sa lugar lalo na’t malapit ito sa Divisoria. Jocelyn Tabangcura-Domenden