Abandonadong balikbayan boxes sa Davao port pwede nang kunin – BOC

Abandonadong balikbayan boxes sa Davao port pwede nang kunin – BOC

January 4, 2023 @ 4:41 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines — Maaari nang makuha ng mga may-ari ang balikbayan box na nakatambak sa Port of Davao at Sub-Port ng Dadiangas.

Ito ang sinabi ng Bureau of Customs nitong Miyerkules, Enero 3 kung saan ang mga balikbayan box na ito ay mula sa “unscrupulous consolidators” o mga forwarding companies na hindi man lamang nakipag-ugnayan sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs), kung kaya’t hindi nila ito naproseso.

“The balikbayan boxes at the Port of Davao can be claimed at Panabo Bypass Road, Brgy. Cagangohan, Panabo City, and at JJM Warehouse, Banisil, Brgy. Tambler, Gen. Santos City for the Sub-Port of Dadiangas,” saad ng BOC.

Dagdag pa, ang mga balikbayan box na ito ay maaaring makuha ng mga may-ari mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon maliban na lamang kung holiday.

“No fees will be charged, but claimants will need to present two valid government-issued IDs, proof of shipping documents, a photocopy of the sender’s passport, and an authorization letter if boxes are received by their representatives,” ayon sa ahensya.

Sa kasalukuyan, 70 sa 282 unclaimed boxes ang nailabas na sa Port of Davao habang 92 sa 1,002 packages naman ang nakuha na sa Sub-Port ng Dadiangas. RNT/JGC