Abandonadong kampo ng CTG, nadiskubre sa Kalinga; explosive devices, nasamsam

Abandonadong kampo ng CTG, nadiskubre sa Kalinga; explosive devices, nasamsam

February 11, 2022 @ 10:33 AM 8 months ago


Kalinga –  Isang abandonadong kampo ng Communist Terrorist Group ang natagpuan ng mga otoridad sa Bagumbayan, Tabuk City ng lalawigang ito.

Sa naturang kampo ay nadiskubre ang ilang explosive devices gaya ng 19 na blasting caps, dalawang dynamite gel, dalawang detonator battery pack electrical wire, 6 na grenade rifles w/ canister at 6 na 40 mm cartridge.

Nagsasagawa ng Operation PLAN EAGLE SPEAR ang mga pinagsanib na puwersa ng Kalinga Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit at Special Action Force nang madiskubre nila ang abandonadong kampo.

Matapos na wasakin ang  kampo, ang mga nakumspikang explosive device ay dinala ng mga otoridad sa Kalinga PPO para sa mga gagawing dokumentasyon at tamang disposisyon. Rolando S. Gamoso