ABC president sa Lemery tumimbuwang sa tambang

ABC president sa Lemery tumimbuwang sa tambang

November 24, 2022 @ 11:03 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Patay sa tambang ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa bayan ng Lemery, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang 59-anyos na biktima na si Enrico Renwick Razon, kapitan sa Barangay District 3 ng Lemery.

Kwento ng kaniyang kinakasama, bigla na lang silang pinaputukan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo habang nasa loob ng kanilang sasakyan sa Barangay Ayao-iyao.

Limang tama ng baril ang kumitil sa buhay ng biktima, ayon sa pulisya.

Sa ngayon, palaisipan ang pangyayari lalo’t wala umanong napabalitang nakakaaway ang biktima.

Bukod sa pulitika may tinitignan pang ibang anggulo ang mga awtoridad sa motibo ng pagpatay kay Razon.

“’Yung business niya, under investigation pa rin po ito. Medyo nahihirapan tayo kasi lahat ng nakausap natin, mga kapitan, mga kadikit niya, walang sinasabi na kaaway o banta sa kanya,” anang imbestigador. RNT