Aberya sa VaxCertPH inaayos na ng DICT

Aberya sa VaxCertPH inaayos na ng DICT

October 12, 2022 @ 6:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaayos na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isyu na nakaaapekto sa vaccine certificate system ng bansa na VaxCertPH.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy kasabay ng pulong balitaan ng Office of the Press Secretary nitong Miyerkules, Oktubre 12 sinabi niya na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health na katuwang nila sa paglalabas ng vaccination certificates sa COVID-19.

Orihinal na nakaatang sa DICT ang pagtutok sa naturang sistema ngunit nakatakdang mapunta sa DOH ang operation at maintenance nito.

“We trained people in DOH to do it para so can turnover the entire system to them and they will be the one to manage it,” ani Uy.

Sa kabila nito, inabisuhan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang DICT na hindi pa handa ang mga kawani ng ahensya na patakbuhin ito.

Dahil dito ay humiling ang DOH sa DICT na ipagpatuloy muna nito ang pagpapatakbo sa programa hanggang sa panahon handa na ang Health department para rito. RNT/JGC