Aberya sa VCM, kawalan ng kuryente mga hamon sa pagsisimula ng Halalan 2022

Aberya sa VCM, kawalan ng kuryente mga hamon sa pagsisimula ng Halalan 2022

May 9, 2022 @ 11:37 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ilan sa mga hamon na kinaharap sa pagsisimula ng Halalan 2022 ngayong Lunes ay ang mga ulat ng aberya sa vote counting machines, pagkawala ng kuryente, at iba pang isyu.

Batay sa tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez hindi pa siya nakaboboto kahit na alas-5:30 ng umaga pa nakapila sa presinto sa UP Diliman campus dahil sa aberya sa VCM.

Hindi pa dumarating ang tauhan ng Smartmatic na mag-aayos sa makina tatlong oras nang maiulat ang glitch.
Narito pa ang ilang mga naiuulat na problema sa VCM sa ibang bahagi ng bansa:

BATANGAS
Dalawang oras naantala ang eleksyon  sa presinto sa Bauan, Technical Highschool sa Bauan, Batangas dahil sa isyu sa VCM.

Hindi gumana ang makina matapos 10 indibidwal ang makapagpasok ng kanilang balota, ayon kay DepEd Election Supervisor Officer Donna De Villa.

Naiulat na ito ng election officers sa technical personnel.

MARAWI

Hindi naman nagsimula nang tama sa oras ang eleksyon sa Sagonsongan, Marawi dahil sa kawalang kuryente sa ilang mga presinto at huling pagdating ng poll watchers. Itinalaga ang Sagonsongan bilang voting place para sa mga lumikas noong 2017 Marawi siege.

Halos isang oras naantala ang voting process, na dapat sana’y nagsimula ng alas-6 ng umaga.

Bagama’t nagsimula na ang botohan dito, nagsabay-sabay naman ang mga botante na naging hamon din sa pagboto.

Tinapik na ang mga pulis at sundalo upang iorganisa ang proseso at magpatupad nh physical distancing.

PANGASINAN

Nasira rin ang vote counting machine sa North Central Elementary School sa Binalonan, Pangasinan pagkasimula pa lamang ng botohan.

Naiulat ang paper jam nang ipasok ang ika-11 balota sa nasabing presinto, ayon kay election officer Leni Masaoy.

“Nagkaroon ng paper jam kaya hindi na niya kinakain yung mga balota. Ilang beses namin trinobleshoot, nireport na rin sa aming technician pero wala na talaga…” paglalahad ni Masaoy.

Nagpatuloy na ang botohan pagkapalit sa VCM.

MALABON

Bukod sa technical difficulties, iba pang isyu ang naging hamon sa botohan sa lugar na ito.

Nagreklamo ang senior citizens sa Potrero Elementary School sa Malabon dahil nasa ikatlong palapag ang kanilang presinto.

“Nahihirapan ako, hingal na hingal ako. Dati sa baba kami,” ayon sa 68-anyos na si Terencia Tua.

“Ang problema pa ho diyan, yung kapatid ko namatay, nandiyan pa (sa listahan) nagtataka ako bakit ganun. Pero itong buhay wala,” ayon naman kay Pedro Guiling.

QUEZON CITY

Dawa sa tatlong VCMs sa presinto sa Teachers Village, Diliman, Quezon City ang hindi gumana.

Ayon sa election officials, nakumpleto ang testing at sealing ng makina noong Mayo 3 subalit hindi ito bumukas.

Hanggang nitong alas-9:30 ng umaga, hindi pa tumutugin ang nakatagang technical personnel.

LAGUNA

Ilang beses namang sinubukan ng election officials na magpasok ng mga balota sa isang presinto sa San Lucas 1, Elementary School sa San Pedro, Laguna bago tanggapin ang mga ito ng makina.

Bagama’t nagdulot ito ng pagkaantala, itinuturing itong “minor glitch” kumpara sa ibanh VCMs na hindi gumana.

MANILA

Samantala, sa Villamor High School-Manila precinct 2952A, tinanong ang mga botante kung handa silang maghintay para sa hindi pa naide-deliver  na VCMs o kung iiwan na lamang ang kanilang mga balota sa election officers upang sila na ang magpasok nito sa VCMs.

Iginiit ni Commission of Election (Comelec) acting spokesperson Rex Laudiangco na dapat pagtiwalaan ang l “ballot surrender” dahil naipatupad na ito dati.

Hinikayat din ng Comelec also urged ang mga nagrereklamo sa social media na isama ang kanilang lokasyon at precinct number maging ang official hashtag #VoteSAFEPilipinas para agad na matugunan. RNT/SA