Abiso sa pekeng pera sa ATM, nilinaw ng BSP

Abiso sa pekeng pera sa ATM, nilinaw ng BSP

January 28, 2022 @ 7:16 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang nauna nitong abiso sa publiko para maging mapanuri sa pekeng pera na maaaring makuha sa automatic teller machine (ATM).

Giit ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang nasabing abiso ay bilang tugon ng central bank sa mga ulat sa social media ng netizen na umanoy naka-withdraw ng pekeng pera sa ATM.

“Allow me to emphasize the country’s ATM system performs soundly under recognized risk management guidelines,” paglilinaw pa ni Diokno.

“ATM services are part of the core banking function of deposit-taking and banks are bound by law to exercise the highest degree of diligence in protecting the interests of their clients. Banks will be held accountable if they fail to observe measures to protect clients,” dagdag pa ni Diokno.

Sa datos na ipinamahagi ni BSP Currency Policy and Integrity Department director Eloisa Glindro tumaas ng 7% nitong 2021 ang halaga ng naitalang pekeng pera. RNT