Abiso sa suspensyon ng OFW deployment ban sa Saudi, peke – DOLE

Abiso sa suspensyon ng OFW deployment ban sa Saudi, peke – DOLE

April 7, 2022 @ 5:27 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Ikinadismya  ng Department of Labor and Employment (DOLE)  ang umanoy sindikato sa likod ng paggawa ng bogus advisory na sinasabing inilabas ng Philippine Overseas Employment Administration na nagtanggal sa suspensiyon ng deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sinabi ng DOLE na ang author ng pekeng dokumento, Advisory No. 69, series of 2022 at may petsang April 4, 2022, ay nagdulot din ng kalituhan ang sirkulasyon nito sa publiko at sa mga manggagawang naghahanap ng deployment sa SA.

“It is fake! There is no iota of truth to the content of that advisory,” sabi ni Rolly Francia, director of DOLE’s Information and Publication Service (IPS).

“The suspension of deployment remains,” dagdag nito.

Ayon pa kay Francia, kinumpirma ni

POEA Administrator Bernard Olalia na hindi ito lumagda o naglabas ng  naturang advisory na ang ibig sabihin ay “tila para iligaw o lituhin ang publiko sa mga patakaran ng DOLE.”

“The unscrupulous authors of the sham manufactured the document by using an old advisory and substituted its contents for it appear as a legitimate issuance, ani  Francia

“Thus, it also suggests intention to compromise the credibility of POEA and injure the current leadership of the agency,” dagdag niya.

Aniya, nakikipag-ugnayan ang DOLE sa mga law enforcement agencies para tuklasin ang pinanggalingan ng bogus advisory.

“We intend to apply the full force of the law to whoever is behind this very criminal act which could undermine the welfare of our migrant workers,” sabi ni Francia

Ang POEA ay nananatiling gumagana  bilang isang attached agency ng DOLE na ang mga tungkulin ay gagampanan ng bagong tatag na Department of Migrant Workers kapag ito ay ganap na nabuo alinsunod sa batas na lumikha nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden