Abogado, 15 akusado sa ‘terrorism financing’ pinagtanggol ng NUPL

Abogado, 15 akusado sa ‘terrorism financing’ pinagtanggol ng NUPL

August 18, 2022 @ 6:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinalagan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)  ang pagsasampa ng mga kaso laban sa auditor nito na si Atty. Czarina “Dingkay” Golda Musni, at 15 iba pang indibidwal kabilang ang mga madre mula sa Rural Missionaries of the Philippines-Northern Mindanao Region (RMP-NMR) para sa umano’y pagda-divert ng foreign fund sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ang kaso ay isinampa ng Department of Justice (DOJ) matapos makitaan ng probable cause para kasuhan sina Musni at ang iba pang akusado kasunod ng imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council sa mga bank account ng RMP-NMR.

Isinaalang-alang ng imbestigasyon ang dalawang sinumpaang salaysay ng mga dating miyembro ng CPP-NPA.

Nauna nang iniatas ng Court of Appeals ang pag-freeze sa mga bank account ay iniutos na i-freeze matapos na madiskubre umano na ito ay ginagamit sa pagpopondo ng terorismo o ginamit bilang mga conduit upang mapadali ang komisyon ng pagpopondo ng terorismo.

Ngunit ayon sa NUPL na ang independent checks at reviews ng funding agencies ng mga church-based organization ay nagpapahiwatig na ang mga ito ay “baseless and false”.

“Despite these clearances, the RMP sisters, Dingkay, and other RMP staff have been recklessly charged before the Department of Justice by the Anti-Money Laundering Council seemingly on the mere dubious say so of polluted and ill-motivated sources and apparently on a prejudged examination of the subject accounts,” ayon sa inilabas na pahayag ng lawyer’s group.

“From our perspective, this is not only weaponization of the law but weaponization against the very lawyers fighting such insidious policy and practice,” saad pa rito.

“Even before this incident, the young and fearless Dingkay has been a constant subject of threats and harassment offline and online. She has been vilified and demonized as a ‘terrorist’ in anonymous publications and posters, clearly hoping to stop her from defending against state repression and oppression. These attacks must end now,” giit pa ng NUPL.

Sa panig naman ng gobyerno, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na umabot sa dalawang taon ang case build-up “and the participation of each person in the acts was shown by documentary and testimonial evidence.” RNT