Abogado inisnab ng Ombudsman sa hirit na SALN ni Digong

Abogado inisnab ng Ombudsman sa hirit na SALN ni Digong

September 8, 2021 @ 8:49 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Office of the Ombudsman ang hiling ng isang abogado na makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte mula 2016 hanggang 2020.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Atty. Dino De Leon ang kopya ng sulat noong Hulyo 22 kung saan nakasaad ang pag-reject ni Ombudsman Samuel Martires sa kanyang request alinsunod sa Memorandum Circular 1 na inilabas ng opisina nito noong nakaraang taon.

Sa ilalim nito, ang sinumang magnanais na kumuha ng kopya ng SALN ng isang public official ay dapat munang humingi ng pahintulot sa may-ari nito bago ito i-evakuate ng Ombudsman.

Ang SALN ay maaari ring mailabas kung hiniling mismo ito ng declarant o ng kanyang awtorisadong representante, kung ito ay ipinag-utos ng korte dahil sa nakabinbing kaso at kung ang request ay ginawa mismo investigation unit ng Ombudsman.

“Bakit takot na takot sila na ipakita ang SALN ng Pangulo? Kung walang tinatago, wala dapat ikatakot. The law is very clear: the SALN of public officials should be accessible to the public,” giit ni De Leon.

“With the missing pandemic funds and the Pharmally corruption issue, it is important for us to access the SALN of our public officials, including the President. This is a fundamental part of public accountability and checks and balances against corruption,” dagdag niya.

Ginamit pa nga aniya ang SALN para mapatalsik noon si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno habang tumatanggi ang gobyerno ngayon na ipakita ang SALN ni Pangulong Duterte.

Noong August 30, matatandaang sinabi ng Malacañang na ang paglalabas ng SALN ng pangulo ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Ombudsman.

“The stance of the Office of the President has been clear and consistent: We leave it to the Office of the Ombudsman, an independent constitutional body, to release to the public President Rodrigo Roa Duterte’s SALN,” pakiwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque. RNT