Abogado na sangkot sa iligal na droga, timbog

 Abogado na sangkot sa iligal na droga, timbog

July 6, 2018 @ 1:14 PM 5 years ago


 

Cagayan de Oro City – Natimbog ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cagayan de Oro City Police ang isang abogado na umanoy sangkot sa iligal na kalakalan ng drogang shabu sa nabanggit na bayan kagabi.

Tinukoy ang pagkakakilanlan ng suspek bilang si Atty. Marlon Yap, na ikinukunsiderang nasa ikay siyam na puwesto sa drug watch list.

Ayon kay City Drug Enforcement Unit head Police Sr. Inspector Excelo Alcantara, Huwebes ng gabi nang ikasa ang operasyon laban kay Yap sa bahagi ng Don Apolinar Velez St. Barangay 29.

Nakumpiska mula sa posesyon ng suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu at ang P500 marked money na ginamit sa pambili ng poseur buyer.

Napag-alaman na si Yap ay ikalawang abogado na dinakip mula noong Enero dahil sa sangkot sa kalakalan ng shabu sa lugar. (Jeff Gallos)