Abogado ni Teves, nakipagpulong sa liderato ng Kamara

Abogado ni Teves, nakipagpulong sa liderato ng Kamara

March 16, 2023 @ 3:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakipagpulong kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang abogado ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.

Ayon kay Romualdez, humingi ng pakikipagpulong sa kaniya ang abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio subalit iginiit ng speaker na dapat nang umuwi sa Pilipinas si Teves.

“The legal counsel of Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves, Jr., Atty. Ferdinand Topacio, sought a private meeting with me Wednesday night to personally relay some concerns of his client. In that meeting, I reiterated my stand that Cong. Arnie should return to the country and report for work at once.”

Ipinarating din ni Romualdez sa pamamagitan ni Topacio ang desisyon ng House Ethics Committee na magsagawa ng motu propio investigation sa hindi pagtugon at pagsunod ni Teves sa utos ng liderato ng Kamara na umuwi na ito dahil ang pananatili niya sa ibang bansa ay walang paalam at hindi na opisyal.

Pinayuhan din si Teves na harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.

“I relayed to Atty. Topacio the decision of the House Committee on Ethics to investigate Cong. Arnie’s refusal to heed a direct order from the Speaker for him to come back home after the expiration of his travel authority last March 9. “

Sinabi ni Romualdez kay Topacio na sa ngayon ay ipinauubaya na ng liderato ng Kamara sa Ethics Committee ang pagdedesisyon at rekomendasyon sa sandaling matapos ang pagsisiyasat.

“The Committee on Ethics has already acquired jurisdiction on Cong. Arnie’s case. I will act accordingly after the Committee wraps up its investigation and submits its recommendation to the House leadership. I also reiterated the assurance that the Speaker and the entire House leadership will exert all means necessary to pave the way for Cong. Arnie’s safe return to the country.”

Si Teves ay humingi pa ng dalawang buwang palugit na manatili sa ibang bansa dahil sa aniya’y pagbabanta sa kaniyang buhay at sa kaniyang pamilya subalit babalik aniya siya sa sandaling matiyak na ang kanilang kaligtasan.

“I strongly urge Cong. Arnie to reconsider his decision not to return. It does not sit well for a House Member to flee the country rather than avail himself of all the legal remedies available to him.”

Nauna rito ay kinumpirma ni House Majority Leader Mannix Dalipe na nagkasa na ng motu propio investigation ang Ethics Committee dahil sa hindi pagtugon sa atas ni Romualdez na bumalik na ng bansa dahil bukod sa hanggang Pebrero 27 lamang ang paalam nito ay dapat din niyang harapin ang mga alegasyon laban sa kongresista.

“Please be informed that the Committee on Ethics and Privileges in its meeting held today, 15 March 2023, has decided to acquire jurisdiction and to conduct motu proprio investigation over Representative of the Third District of Negros Oriental, Honorable Arnolfo “Arnie” A. Teves, Jr.’s failure to return to the country despite the direct order of the Honorable Speaker and the expiration of his travel clearance dated 27 February 2023,” giit ni Dalipe.

Ipinauubaya na rin ng liderato ng Kamara sa komite ang magiging rekomendasyon nito at kaukulang aksyon sa hindi pagtugon ni Teves sa direktang atas ni Romualdez sa kaniya.

“Pending submission of the Report by the Committee on Ethics to the Plenary, we leave it to the sound discretion of the Committee to investigate and recommend imposition of the appropriate disciplinary action,” dagdag pa ni Dalipe.

Si Teves ay iniuugnay ngayon sa pagpatay sa siyam katao sa kaniyang lalawigan kabilang dito si Negros Oriental Governor Roel Degamo na nauna na ring pinabulaanan ng kongresista. Meliza Maluntag