Abogado ni Tony Labrusca sa netizens: ‘Wag maging judgmental



Abogado ni Tony Labrusca sa netizens: ‘Wag maging judgmental

June 6, 2021 @ 1:00 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pormal nang isinampa nitong June 2 sa Makati City prosecutor’s office ang mga kasong acts of lasciviousness at slight physical injuries laban kay Tony Labrusca.

Tumatayong complainant si Drake Dustin Ibay, negosyanteng kainigan ng umano’y hinipuan ng lasing na aktor at kapatid din ng lalaking umano’y nasaktan ni Tony.

Nag-ugat ang insidente sa isang party noong January 16.

Ayon naman sa legal counsel ni Tony na si Atty. Joji Alonzo, hindi pa raw nila natatanggap ang complaint affidavit kung kaya’t hindi nila masagot ang mga paratang laban sa kanyang kliyente.

Nagbabala rin siya sa publiko na huwag agad husgahan si Tony batay sa “mere allegations and unfounded claims.”

Habang sinusulat ito’y hindi pa nag-iisyu ng anumang pahayag ang Kapamilya actor kaugnay ng kinakaharap na kaso. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •