Abogado sa Batangas pinaulanan ng bala sa opisina

Abogado sa Batangas pinaulanan ng bala sa opisina

February 20, 2022 @ 3:04 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang abogado sa loob mismo ng kanyang opisina sa Sto. Tomas City, Batangas.

Agad namang iniatas ni Police Col. Glicerio Cansilao, director of the Batangas Provincial Police Office ang masusing imvestigasyon sa insidente.

“We will look into all the motives behind this attack. We are also appealing to anybody who could provide any information that could lead to the arrest of the perpetrators to help us,” ani Cansilao.

Kinilala naman ang biktimang s Reginald Michael Manito, 42-anyos.

Sa ulat pinasok ng dalawang salarin ang kanyang opisina at walang habas na pinagbabaril ang abogado sa opisina sa
Gov. Malvar Ave. Barangay Poblacion 1, Sto. Tomas City nitong Huwebes.

Naisugod pa si Manito sa ospital pero binawian din ng buhay. RNT