Abortion bawal na sa Amerika; abortion clinics nagsara agad

Abortion bawal na sa Amerika; abortion clinics nagsara agad

June 25, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


WASHINGTON DC – Idineklara na ng United States Supreme Court na bawal ang abortion o pagpapalaglag ng bata at kaagad nagsara ang mga abortion clinic sa maraming estado sa nasabing bansa.

Sa siyam hukom sa Supreme Court, lima ang pumabor sa desisyong ipagbawal ang aborsyon at kinilalang sina Samuel Alito, Clarence Thomas, Neil Gorsuch, Brett Kavanaugh and Amy Coney Barrett habang tatlo ang kumontra rito.

Binaligtad ng USSC ang desisyong Roe vs Wade ng ginawa ng pito laban sa dalawang Hukom noong 1973 na nagsasabing protektado ng Konstitusyon ng US ang karapatan ng mga babae na magpalaglag.

Ang desisyong ito na inilabas noong 1973 ang nagbigay sa kababaihan ng walang rendang karapatan sa pagpapalaglag ng kanilang ipinagbubuntis.

Laman ng lumang desisyon ang karapatang buong pagpapalaglag sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, kontroladong pagpapalaglag sa ikalawang tatlong buwang pagbubuntis ngunit bawal na sa ika-anim hanggang sab ago ang panganganak.

Pinairal naman ng ilang estado mula sa 52 estado ng Amerika ang tinatawag na trigger law o instant ban o agarang pagbabawal ng aborsyon. Makaraang lumabas sa online news ang bagong desisyon.

Kabilang sa mga estadong nagkaroon na ng trigger law ang Arkansas, Louisiana, Kentucky, Arkansas, South Dakota, Missouri, Oklahoma and Alabama habang susunod na ang Mississippim North Dakota, Wyoming, Idaho, Tennessee and Texas,

Dahil na rin sa trigger law, hinaharang na rin ang mga nakapila na magpalaglag sa mga abortion clinic sa nasabing mga estado, umuwi ang mga doktor at empleyado at tanggal na rin sa trabaho ang iba.

Samantala, hiniling naman ng ilang gobernador ng mga estado mula sa California, Washington at Oregon na hindi pabor sa bagong desisyon na hayaan at huwag harangin ang mga gustong magpalaglag sa kanilang lugar.

Mahigit 30 milyong babae umano ang mapagkakaitan ng karapatan sa aborsyon.

Kinontra naman ni US President Joseph Biden ang desisyon at malaki umanong paglabag sa karapatan ng mga kababaihan ang desisyon. RNT