Abra, iba pang lugar na napinsala ng lindol bibisitahin ni PBBM

Abra, iba pang lugar na napinsala ng lindol bibisitahin ni PBBM

July 27, 2022 @ 11:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Press Secretary Trixie Cruz- Angeles na nakatkadnag bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lalawigan ng  Abra at ilan pang mga lugar na labis na naapektuhan ng 7. 0 magnitude earthquake na naramdaman kaninang umaga.

Ani Cruz-Angeles, magkakaroon muna ng assessment bago lumipad ang Chief Executive sa Abra nang sa gayon ay matiyak naman na ligtas ang gagawin nitong pagtungo sa apektadong lugar.

Sa sandaling mabigyan na ng clearance ang Pangulo ay agad aniya itong tutulak sa mga area na niyanig ng 7.0 na lindol at unang-una dito ang Abra.

Sa kabilang dako,  ligtas naman ang Pangulo at ang pamilya nito kasunod ng naramdamang lindol kaninang 8:43 ng umaga.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan si Pangulong Marcos sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos ugain ng malakas-lakas na lindol ang ilang bahagi ng Pilipinas, araw ngMiyerkules, bagay na umabot sa magnitude 7.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na agad na ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagpapadala ng  rescue and relief teams sa lalawigan ng Abra.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang Pangulo sa mga lokal na opisyal doon at lahat ng ahensiya na may kinalaman sa disaster preparation at relief operations.

“For use all of these have been ordered dispatch by the president,” ayon sa Pangulo.

Tinawagan naman ng pansin ng Chief Executive ang telcos  na mag-provide ng agarang tulong at libreng komunikasyon sa lahat ng lokasyon kung saan bumagsak ang tower upang mapanatiling bukas ang communication channels.

Agad namang lilipad ang Pangulo patungo sa nasabing lugar sa oras na “all clear is given.”

Samantala, hindi naman nasaktan ang First Family sa malakas na lindol.

Ukol naman sa kung matutuloy ang Pangulo sa kanyang mga aktibidades ngayong araw ay sinabi ni Cruz-Angeles na
“We will have to see. right now nakatutuok siya dito sa ating disaster relief and response. Ngayon pa lang po dumadating yung feedback natin about the extent of damage in certain areas, so the president will put this as his priority, and most likely might cancel certain appointments.”

Wala namang nakikitang dahilan para magpatawag pa ng  emergency meeting si Pangulong Marcos dahil
“NDRRMC and DSWD don’t have to meet with him. He’s coordinating with them.”

Kung kinakailangan ay magpapalabas ng karagdagang pondo si Pangulong Marcos para sa mga  naapektuhan ng malakas na lindol lalo na sa Abra.

“If necessary and if we can source the funding,” aniya pa rin.

At sa mga naghahanap naman sa Pangulo ang sagot ni Cruz-Angeles ay “He’s at work. i cannot give you the exact location, you know that.”

Tiniyak naman ng Kalihim na patuloy silang magbibigay ng update hinggil sa anomang development kaugnay ng ginagawang pagtutok ni Pangulong Marcos Jr sa mga hakbanging  ginagawa ng pamahalaan kaugnay ng naganap na lindol. Kris Jose