Abra isinailalim sa state of calamity!

Abra isinailalim sa state of calamity!

July 29, 2022 @ 7:34 AM 2 weeks ago


ABRA – Isinailalim na ang lalawigan na ito sa state of calamity bunsod ng tumamang magnitude 7 na lindol nitong Miyerkoles.

Nitong Huwebes nang aprubahan ni Abra Governor Dominic Valera ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Huwebes na nagdedeklara sa buong lalawigan sa ilalim ng state of calamity dahil sa malawakang pagkasira natamo nito.

“Resolved, as it is hereby resolved, to declare the Province of Abra under the State of Calamity to mobilize the Provincial and the 27 LGUs to respond to the immediate needs of Abrenios and for other purposes,” the resolution read.

“Resolved further, commitment to this destruction the 58 percent Calamity Reserve Fund is available and authorized to be utilized for the purpose and for other related purposes,” it added.

Samantala, humihiling din ang lalawigan ng agarang tulong mula sa pambansang pamahalaan at iba’t ibang kinauukulang ahensya para sa maayos na pagtugon sa kalamidad, tulong, rehabilitasyon at suporta sa rekonstruksyon.

Nakapagtala naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 828 aftershocks na mula sa magnitude 1.5 hanggang 5.4, hanggang alas-11 ng umaga noong Huwebes.

Huwebes ng umaga, lumipad patungong Abra si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., Secretary Benjamin Abalos Jr. ng Department of the Interior and Local Government, Defense OIC Undersecretary Jose Faustino at Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo.

Personal na sinuri ni Marcos ang sitwasyon ng mga apektadong indibidwal habang nagsagawa siya ng security briefing kasama ang mga concerned national at local officials, at pinangunahan ang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima. RNT