Abra niyanig ng M-4.2 quake!

Abra niyanig ng M-4.2 quake!

September 13, 2022 @ 3:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Abra nitong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), at ipinaliwanag na aftershock ito ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa lalawigan noong Hulyo 27.

Natukoy ng Phivolcs ang aftershock kaninang alas-12:21 ng tanghali, at ang epicenter nito ay 2 kilometers northeast ng Bucay, Abra.

Ang depth of focus ng tectonic na lindol ay 17 kilometro.

Naiulat din ng Phivolcs ang Intensity III sa Bangued, Abra at Vigan City, Ilocos Sur.

Wala namang inaasahang aftershock at pinsala, base sa ahensya. RNT/SA