Abra niyanig ng magnitude 4.1 quake

Abra niyanig ng magnitude 4.1 quake

November 26, 2022 @ 1:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines — Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Abra nitong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Natukoy ng Phivolcs ang lindol bandang alas-4:15 ng umaga at nadiskubre ang epicenter nito walong kilometeo northwest ng Lagayan, Abra.

Ang depth of focus ng tectonic earthquake ay tatlong kilometro.

Naitala ng state seismologists ang Instrumental Intensity I sa Vigan City sa Ilocos Sur at Bangued, Abra.

Walang inaasahang aftershock o pinsala, ayon sa Phivolcs. RNT/SA