Abra niyanig ng magnitude 7.3 na lindol

Abra niyanig ng magnitude 7.3 na lindol

July 27, 2022 @ 9:08 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Abra na naramdaman din sa National Capital Region at mga kalapit na probinsya.

Saad ng seismic bureau naganap ang lindol dakong 8:43 ng umaga ng Miyerkoles at sumentro sa 17.63°N, 120.74°E – 002 km N 20° silangan ng Lagangilang sa Abra.

Tecctonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman ang lakas ng pagyanig o intensity sa mga sumusunod na lugar:

  • Intensity VII – Bucloc and Manabo, Abra

  • Intensity VI – Vigan City, Sinait, Bantay, San Esteban, Ilocos Sur; Laoac, Pangasinan; Baguio City;

  • Intensity V – Magsingal and San Juan, Ilocos Sur, Alaminos City and Labrador, Pangasinan; Bambang, Nueva Vizcaya; Mexico, Pampanga; Concepcion, and Tarlac City, Tarlac; City of Manila; City of Malabon;

  • Intensity IV – City of Marikina; Quezon City; City of Pasig; City of Valenzuela; City of Tabuk, Kalinga; Bautista and Malasiqui, Pangasinan; Bayombong and Diadi, Nueva Vizcaya; Guiguinto, Obando, and San Rafael, Bulacan; San Mateo, Rizal

  • Intensity III – Bolinao, Pangasinan; Bulakan, Bulacan; Tanay, Rizal

  • Intensity II – General Trias City, Cavite; Santa Rosa City, Laguna

Sinabi ng Phivolcs na asahan na ang mga pagguho at aftershocks. RNT