Abra Rep sa nasasakupan: Huminahon, pero maging alerto sa aftershocks

Abra Rep sa nasasakupan: Huminahon, pero maging alerto sa aftershocks

July 27, 2022 @ 10:01 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Nagulantang ang mga Abreños at kalapit na lalawigan sa 7.3 magniture na lindol na umuga ngayong umaga.

Sinabi ni Abra Rep. Ching Bernos na matapos ang pag-uga ay agad nakita ang mga nawasak na establismyento.

“This strong earthquake shocked many of my beloved Abreños and caused damages to many households and establishments. This earthquake was also felt in various parts of Luzon and activated preemptive measures in many places.”

Agad itong nanawagan sa kaniyang mga kababayan na maging kalmado ngunit alerto sa posibilidad ng mas malalakas pang aftershocks.

“I urge everyone to stay alert and to prioritize safety in light of the possibilities of aftershocks that might be felt after that strong earthquake. We are monitoring the situation on the ground and gathering information on the extent of the damage to the Province.”

Ang tanggapan ng kongresista ay patuloy ang koordinasyon sa mga otoridad para matulungan ang mga pamilya at komunidad na labis na naaapektuhan o napinsala ng lindol. Meliza Maluntag