ABS-CBN at TV5 deal, aalamin ng Kamara

ABS-CBN at TV5 deal, aalamin ng Kamara

August 17, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang briefing ang itinakda ng House Committee on Legislative Franchises kaugnay sa investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Ang pagdinig ay itinakda sa Agosyo 18 ng alas alas-2 ng hapon kung saan tatalakayin ang purchase agreement sa pagitan ng dalawang broadcast network.

Ang nasabing panel ay pinamumunuan ni Paranaque Reo Gus Tambunting.

Matatandaan na sa isang privelege speech ay muling pinuna ni SAGIP Party List Rep. Rodante Marcoleta ang pagpasok ng ABS-CBN sa isang network contract kung saan sinabi ng mambabatas na aalamin nya ang dahilan ng pagpayag ng TV 5 sa investment ng ABS CBN sa network na pagmamay ari ng PLDT group.

Si Marcoleta ang isa sa kritiko ng ABS-CBN na nangampanya para hindi ito mabigyan ng legislatve franchise noong 18th Congress.

Una nang binigyang diin ng ABS-CBN na hindi merger kundi investment ang kasunduan sa pagitan ng ABs-CBN at TV5.

Nasa 35% ang investment ng ABS-CBN habang ang 65% ay sa Mediquest ang parentt company ng TV 5 na kontrolado ng PLDt group.

Sinabi ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez na ang partnership ay magbibigay daan para lumakas ang TV5.

“For ABS, it presents a fantastic platform for us to achieve synergies in production content and talent management as well as maximizing our content delivery. We look forward to be of greater service to the public as we come together in taking TV5 to the next level,”pahayag ni Lopez.

Gayundin ang pahayag ni Manny Pangilinan, chairman ng Mediaquest Holdings, aniya, sa pamamagitan ng partnership ay mas maraming kalidad na programa kung saan kilala ang ABs-CBN ang mapapanood na para sa interes ng sambayanang Filipino.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang kasong kinahaharap ang ABS-CBN sa anumang korte sa bansa kaugnay sa paglabag sa franshise o tax law taliwas sa mga alegasyon ni Marcoleta na may pagkakautang ang ABS-CBN sa National Telecommunication Commission(NTC) na P1.6 Trillon bilang multa sa franchise violations. Gail Mendoza