ABS-CBN muling bumangon! 

ABS-CBN muling bumangon! 

August 4, 2020 @ 3:26 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Parang kailan lang, nagdadalamhati tayong lahat sa pagtanggi ng Kongreso na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Akala natin, ‘yun na ang katapusan.

Pero sino’ng mag-aakala na may grand comeback itong ABS-CBN sa online world sa pamamagitan ng Kapamilya Online Live?

Yes, tama ang nabasa niyo. Hindi nagtagumpay ang pagbaon nila sa ABS-CBN sa lupa dahil ito na nga at bumabangon ang ABS-CBN matapos lamang ang ilang linggo para patuloy na maghandog ng impormasyon at kasiyahan sa lahat ng Kapamilya viewers –isang palatandaan kung gaano nila tayo kamahal.

Kasi kung walang paki ang ABS-CBN sa mga Pilipino, hindi na nila tayo iintindihin. Sa cable na lang sila magpapakita ng mga palabas, pero dahil alam nilang marami ang hindi afford ang cable, nakahanap sila ng paraan na ihatid ang ating mga na-miss na palabas sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at ABS-CBN Network Facebook page nang libre.

Wow na wow talaga ito!

In pernes sa ideya ng ABS-CBN, matuturing na innovation na naman itong Kapamilya Online Live na pinangunahan na naman nilang ipakilala sa atin para mapagaan ang ating mga buhay ngayong may pandemya.

At least, masaya na naman tayong mga babad sa internet at mga bawal lumabas sa bahay dahil sa umiiral na quarantine.

For sure, susuportahan itong ABS-CBN na nakahanap ng bagong tahanan sa YouTube at Facebook ng mga Forever Kapamilya like yours truly dahil walang katumbas ang saya na nadarama ko kapag pinapanood ang ABS-CBN.

Boom, ‘yun na!  Mercy Lejarde


  •  
  •  
  •  

Loading...