ABS-CBN probe muling inihihirit sa Kamara

ABS-CBN probe muling inihihirit sa Kamara

October 18, 2022 @ 11:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr sa House Leadership na buksan muli ang congressional investigation ukol sa posibleng violations ng media giant na ABS-CBN.

Ayon kay Barzaga, na vice chairperson ng House Committee on Legislative Franchises, may pangangailagan na buksan muli ang mga isyu na ikibakabit sa ABS-CBN upang malaman kung ang mga paglabag na ito ay naayos na matapos na rin ang naging imbestigasyon noong 18th Congress na nagbigay daan para kanselahin ang kanilang legislative franchise.

“These legal and constitutional issues include the possible violations committed by ABS-CBN on the constitutional limits on foreign ownership, its reported violations of labor and  tax laws and other violations of its previous franchise. We have to find out if ABS-CBN has been following the law or continuing to violate or circumvent it,” paliwanag ni Barzaga.

Aniya, nagkaroon ng merger ang ABS-CBN sa TV-5 kamakailan sa kagustuhan nito na sumakay sa legislative franchise ng TV5 subalit kalaunan ay kinansela ito nang hilingin na imbestigahan ito sa Kamara.

Matapos ang bigong merger ay sa ibang kasunduan naman pumasok ang network, sa pagkakataon ito ay sa international cable channels na Discovery Asia at  Asian Food Network.

Nilinaw ni Barzaga na bagamat wala siyang nakikitang paglabag sa bagong kasunduan ng ABS-CBN ay nararapat pa rin na rebyuhin ito.

Giit ng mambabatas na maaaring sa pagkakataong ito ay maging maganda para sa ABS-CBN ang gagawing imbestigasyon.

“A reinvestigation by Congress into ABS-CBN  could even benefit the company as no less than President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. had said earlier that ABS-CBN would be able to secure  new franchise once all the issues against it are resolved” paliwanag ni Barzaga. Gail Mendoza