Abu Dhabi Crown Prince, kinilala sa Senado sa isang resolusyon



Abu Dhabi Crown Prince, kinilala sa Senado sa isang resolusyon

March 11, 2021 @ 3:27 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Senado ang isang resolusyon na inihain ni Senador Richard Gordon na nagpapahayag marubdob  na pasasalamat at pagkilala kay   Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, Crown Prince of Abu Dhabi, sa pagiging kaibigan ng Filipino – dooon sa naninirahan sa United Arab Emirates at dito sa Pilipinas, sa panahon ng kalamidad  kabilang ang pandemya ng  COVID-19.

Sa  pahayag, sinabi ni Gordon na inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution No. 671, na naging co-author ang lahat ng mambabatas, pinapurihan ang Sheikh,na siyang Deputy Supreme Commander ng Armed Forces of the United Arab Emirates, para sa kanyang  compassion, pagkakaibigan, pakikiisa at suporta sa mga Pilipino.

“There is an Arab saying that goes ‘A friend is known when needed.’ We also have an English saying, “A friend in need is a friend indeed.” Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan is truly a friend of the Philippines. Upon his instructions, assistance had been sent for various disaster-struck areas in our country,” lahad ni Gordon sa kanyang sponsorship speech.

“Our dear friend, His Highness Sheikh Mohammed Bin Zayed Al Nahyan will be celebrating his 60th birthday tomorrow. He was born on March 11, 1961. It is timely that we show to him, our people’s appreciation for his gestures of friendship by the recognition of the Senate of the Philippines…” dagdag niya.

Sa direktiba ng Sheikh, nakipagtulungan ang UAE sa pamamagitan ng Emirate Red Crescent, sa Philippine Red Cross sa pagpapatayo ng P19 milyong halaga ng health center sa Dolores, Eastern Samar matapos durugin ng bagyong Yolanda ang Visasyas at ipinatayong muli ang isang eskuwelahan na nagkakahalagang  AED 27-million.

Sinabi pa ni Gordon na pagkatapos tamaan ng bagyong  Rolly ang bansa, naglaan ang UAE government ng $9.5 milyon para sa apektadong komunidad. Noong sumabog ang Taal Volcano, nagpadala ang ERC ng humanitarian mission sa pakikipagtulungan ng PRC sa pagbibigay ng tulong sa apektadong residente at naglunsad ng donation campaign para sa kanila.

“When COVID-19 reached the country, the UAE sent seven metric tons of PPEs and medical aid that benefited approximately 7,000 Filipino medical front liners fighting the COVID-19 pandemic in the Philippines,” punto pa ni Gordon.

“Filipinos in UAE also deeply felt the Crown Prince’ caring and support after he gave the highest honor to Filipino medical frontliners serving in the fight against the disease in the UAE; personally checking on their conditions; and providing free vaccination to all UAE residents, including close to 700,000 Filipinos there,”dagdag ng senador. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •