Abu Sayyaf arestado sa Quiapo

Abu Sayyaf arestado sa Quiapo

March 15, 2023 @ 10:29 AM 2 weeks ago


Dinakip ang umano’y miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Quiapo, Maynila, sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa ulat, kinilala ng NCRPO ang suspek na si Muktar Yusop Maani na naaresto sa isang apartment building sa De Guzman St. Barangay 393 Quiapo, Maynila noong a-dos ng Marso.

Ang pag-aresto sa kanya ay pinahintulutan ng korte para sa krimen ng kidnapping for ransom at serious illegal detention.

Ayon sa NCRPO, sangkot si Maani sa kidnapping ng anim na miyembro ng Jehovah’s Witnesses sa Patikul, Sulu noong August 20, 2002

Sinabi rin ng NCRPO na ang suspek ay aktibong miyembro ng Abu Sayyaf na nag-ooperate sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Metro Manila.

Si Maani ay dinala sa Anti-Terrorism Task Group (ATTG) Regional Intelligence Division (RID) para sa tamang disposisyon, documentation, at temporary detention sa custodial facility nito ayon sa pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden