Abu Sayyaf leader patay sa engkuwentro sa Zambo

Abu Sayyaf leader patay sa engkuwentro sa Zambo

March 27, 2022 @ 3:00 PM 3 months ago


ZAMBOANGA CITY –PATAY ang isang leader Abu Sayyaf Group (ASG) na nakabase sa Basilan matapos makipag bakbakan sa tropa ng Scout Ranger troopers, Sabado sa nasabing probinsya.

Kinilala ni Brig. Gen. Domingo Gobway, Joint Task Force (JTF)-Basilan commander, ang napatay na suspek na si ASG leader as Razmil Jannatul alias Abu Khubayb.

Ayon kay Gobway, naganap ang engkuwentro Biyernes ng hapon sa Sitio Center, Barangay Baiwas in Sumisip town, Basilan.

Sinabi ng militar na nagsasagawa ng combat operation sa lugar ang 5th Scout Ranger Battalion ng nakasagupa nila ng bandidong grupo ng ASG sa pamumuno ni Jannatul.

Tumagal ng 15-minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ni Jannatul habang tumakas naman ang mga miyembro nito.

Itinuturing si Jannatul na isang notoryus Basilan-based ASG sub-leader na siyang pumalit kay Furuji Indama na nasawi noong October 2020.

Pinuri naman ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command ang tropa ng Joint Task Force Basilan sa pagtumba ng ASG leader.

“This will totally weaken the group and force the remaining members to give up their fight and save themselves,” ani pa ni Rosario./Mary Anne Sapico