Abu Sayyaf member patay sa strike ops

Abu Sayyaf member patay sa strike ops

July 1, 2022 @ 5:36 PM 1 month ago


PARANG, Sulu- Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos umanong makipagbarilan sa mga tropa ng pamahalaan sa isinagawang strike operation ng Joint Task Force Sulu sa nasabing bayan.

Kinilala ang nasawi na si Gan Salahudin, ASG member, ng Barangay Lumbaan Mahaba, ng naturang bayan.

Batay sa report ng Western Mindanao Command (Wesmincom) bandang alas-2 ng madaling araw naglatag ng operasyon ang tropa ng pamahalaan laban kay Salahudin.

Pagdating sa nasabing lugar agad silang sinalubong na mga putok ng baril ng suspek na nauwi sa engkwentro at nagresulta sa pagkamatay ni Salahudin.

Narekober mula sa suspek ang 5.56mm M16 rifle, at isang M203 grenade launcher. Mary Anne Sapico